돌체 : 아모레 DOLCE AMORE

Long Distance Relationship 본문

LOVE

Long Distance Relationship

돌체아모레 2018. 9. 20. 17:37


"The distance maybe far and wide but my heart can cover them all. The space between us is so much more but you should know that I love you so!" -Linda Roy





      Isang malaking pagsubok sa buhay ang malayo sa pinakamamahal mong tao, lalo na kung magkaiba kayo ng pinanggalingang bansa. Hindi mo alam kung kailan ulit kayo magkikita dahil sa mahirap na sitwasyon. Maraming magkasintahan ang nasusubok sa ganitong sitwasyon, may ibang nauuwi sa hiwalayan at mayroon din namang mas tumatatag pa ang relasyon.





Isa na ako sa mga nakakaranas nito ngayon. May nobyo ako na taga Korea at ako naman ay taga Pilipinas. 4 na buwan pa lang kami (and still counting) at masasabi ko na mahirap nga pero kakayanin. Napamahal na talaga ako sa lalaking ito kahit dalawang beses palang kami nagkikita. Pumunta siya ng Pilipinas para makita ako. (Wow effort!) Sa totoo lang, ang lalaking ito ang muling nagpatibok sa puso ko at masaya na ako ngayon sa kanya.





Bukod sa magkalayo na nga kami, sinusubok din kami ng lenggwahe. Sanay naman ako mag korean pero hindi pa rin fluent ganon din siya pagdating sa english. Pero hindi ito hadlang para hindi kami mag usap. Nauunawaan namin ang isa't-isa. May oras talaga na gusto namin makita ang isa't-isa pero wala kami magawa dahil magkalayo kami. Sa relasyong ito matututo ako (pati siya) na maghintay at magkaroon ng mahabang pasensiya. Alam kong ang mahabang paghihintay ay magkakaroon ng magandang bunga.





Pero hindi ko rin maiwasan ang mag alala. Magkalayo kami, hindi ko siya madalas makita. Kaya gabi gabi kasama sa dasal ko na "Lord, kayo na po bahala kung mahihintay niya ako. Sana siya na talaga para sa akin. Siya yung lalaking hiniling ko ngayong 2018." Natatakot kasi ako sa salitang 'pagod na ako' at 'ayoko na' Pero naniniwala rin ako na magiging maayos din ang lahat dahil sa 'tiwala' na mayroon kami para sa isa't-isa at marami kaming pangarap para sa darating na tamang panahon.





Gustong gusto ko na siya makita, may mga oras talaga na nalulungkot ako kaya tinitignan ko na lang mga litrato niya at mga ipinasa na voice note sa pamamagitan nito nawawala na lungkot ko. May mga panahon din na naiinggit ako sa ibang couple dahil magkasama sila,sa isip ko sana nandito rin yung mahal ko para masaya din. Yung mag date kami, kung saan saan makakapunta at kumain ng marami, sabi niya kasi swerte daw kapag malakas at may gana kumain. Intay lang magkikita rin tayo! Hihintayin ko ang araw na iyon at hindi ako mag aaksaya ng oras (susulitin ko habang kasama ka) Magpapakatatag ako para sa ating dalawa.





Hanggang sa muli, aking mahal.




'LOVE' 카테고리의 다른 글

Appreciation Post  (0) 2018.10.04
소중한 추억을 보관했습니다  (0) 2018.10.01
해외나간 집돌이  (0) 2018.09.27
a sudden trip  (0) 2018.09.27
우리는 사랑하고 있습니다  (0) 2018.09.20
Comments